M3.1 na lindol naitala sa Baler, Aurora

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Aurora alas-12:50 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 16 kilometro Timog-Silangan ng Baler.

May lalim ang pagyanig na anim na kilometro.

Tectonic ang dahilan ng lindol at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...