Malacañang: Mga militanteng grupo may problema kapag napatunayang front ng NPA

By Chona Yu December 04, 2018 - 08:26 PM

Malacañang photo

Binalaan ng Malacañang ang grupong Kilusang Mayo Uno, Gabriela at Bayan Muna na sumunod sa mga itinatakda ng batas.

Pahayag ito ng palasyo matapos maaresto si dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo dahil sa kasong exploitation sa mga batang Lumad sa Davao Del Norte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag ginamit ng militanteng grupo ang armed element ng New People’s Army ay tiyak na nilalabag na nila ang batas.

Paalala pa ni Panelo, may kaukulang parusa ang armadong pakikibaka laban sa gobyerno.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang nagbigay ng warning sa militanteng grupo nang mahuli ang grupo ni Ocampo habang kasama sa alanganing oras ang mga batang Lumad.

Dagdag pa ni Panelo, “they should always work within the law. Kasi kung ginagamit nilang fronts iyon ng armed elements ng NPA, may problema tayo. They will be violating the law; they can be charged of it”.

TAGS: ANAKPAWIS, Bayan Muna, gabriela, NPA, panelo, ANAKPAWIS, Bayan Muna, gabriela, NPA, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.