Trak na may lamang mga bakal naaksidente sa San Mateo Road

By Alvin Barcelona December 04, 2018 - 05:11 PM

Photo: PB Jojo Abad

Isang trak na may kargang bakal ang nawalan ng kontrol sa panulukan ng San Mateo at Constitutional Road sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Ang nasabing trak na may plakang RGS 662 ay galing sa direksyon ng Batasan Road at bumabaybay ng San Mateo Road nang mangyari ang insidente 1:40 ng hapon.

Sa kwento ng driver, nawalan ng preno ang kanyang trak sa pababang bahagi ng daan kaya kinabig niya ito sa center railing.

Kumalat ang krudo ng trak na agad na tinabunan ng kusot para hindi na makadamay ng ibang motorista.

Tinanggal na sa lugar ang trak at dinala ng towing truck ng Quezon City Traffic Sector 6.

Wala namang naiulat na malubhang nasaktan sa nasabing aksidente.

Ang nasabing lugar na kinaganapan ng aksidente ay itinuturing na isang accident-prone area.

TAGS: accident, quezon city, sam mateo road, accident, quezon city, sam mateo road

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.