Matagalang tigil-putukan hangad ng Malacañang

PNA photo

Hindi lamang tuwing panahon ng Pasko ipinatutupad ang tigil-putukan ayon sa Malacañang.

Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na magdedeklara ang kanilang hanay ng unilateral ceasfire ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa totoo lang ay hindi na dapat na dumanak ang dugo sa bansa lalo na sa pagitan ng kapwa Filipino.

Dagdag pa ng kalihim, “There should be permanent truce. There should be no bloodshed as far as the government is concerend. It’s about the oldest bloodshed, it’s been fifty years my God. Let’s end the internecine among Filipinos”.

Ipinaliwanag pa ni Panelo na tatalakayin mamayang gabi sa cabinet meeting ang rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana huwag nang magdeklara ng ceasefire sa komunistang grupo.

Read more...