Anti-ticket scalping bill isinusulong sa Kamara

By Erwin Aguilon December 04, 2018 - 03:51 PM

Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na nagbabawal sa “ticket scalping” o ang pagbebenta ng mas mahal na tiket sa anumang mga palabas, concert o palaro.

Ang House Bill 8694 ay inihain matapos ang insidente ng ticket scalping sa Game 1 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball Tournament Finals sa pagitan ng UP Fighting Maroons at ng Ateneo Blue Eagles.

Ayon sa mga may akda ng panukala, marami ng ulat na scalping incidents sa mga entertainment events kung saan mayroong mga nagbebenta ng tickets sa labas ng events venue sa mas mahal na halaga.

Ipinagbabawal ito dahil maituturing itong pandaraya ba makakasama sa mga ordinaryong tao na tumatangkiling sa mga events na naglalabas ng mas malaking halaga para lamang makakuha ng tikets.

Sa ilalim din ng panukala ipagbabawal ang sinumang tao na magbenta ng complimentary tikets sa entertainment events sa kahit anumang halaga o uri ng pagbabayad.

Ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng halagang P40,000 o pagkakakulong ng anim na buwan para sa unang pagkakasala ,P 100,000 o pagkakakulong ng isang taon para sa second offense at P250,000 o pagkaka kulong ng tatlong taon para sa 3rd offense.

Matatandaan na noong sabado ay siyam na scalpers ang naaresto sa paligid ng Mall of Asia Arena sa Pasay City habang nagtitinda ng tiket para sa UAAP Men’s Basketball Tournament Finals Game 1 sa pagitan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles sa mas mataas na halaga.

Kung saan ang VIP tickets na P450 ang regular price ay binebenta ng P3000 habang sa lower at upper boxes na sa halagang P1,500 at P1,000 ay triple ang presyo na binibenta.

TAGS: basketball, concert, Congress, ticket scalping bill, UAAP, basketball, concert, Congress, ticket scalping bill, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.