Payo ng Malakanyang sa publiko, gumamit ng common sense para maintindihan ang mga biro ng pangulo
Ni-lecturan ng Malakanyang ang publiko kaugnay sa mga banat na biro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga talumpati.
Ayon kay Presdiential Spokesman Salvador Panelo, kapag nagbiro ang pangulo at tumawa ang audience, tiyak na biro ang kanyang sinasabi.
Payo pa ni Panelo sa mga tao ay gamitin na lamang ang common sense.
Dapat din aniyang masanay na ang publiko dahil ‘yun na ang “style” ng pangulo na palaging palabiro.
“One, we use our common sense; number two, makikita mong nagbibiro siya pag tumatawa iyong taong nasa harap na niya. Kasi ang joke ay ginagawa iyan para tumawa tayo di ba, ngayon kapag hindi ka tumawa, meron kang sinabi na sa tingin mo joke, eh ibig sabihin offended ang mga nakikinig sa iyo. Like iyong marijuana, alam natin hindi naman stimulant iyon sa pag-gising. O the fact alone na hindi stimulant iyon, di walang logic sa sinasabi niya na iniinum niya iyon para siya magising, kaya nagtawanan ang mga tao,” ayon kay Panelo.
Matatandaang umani nang batikos ang pangulo nang aminin nito na gumagamit siya ng marijuana para manatiling gising dahil sa dami ng kanyang schedule.
Subalit kalaunan, sinabi nitong nagbibiro lamang siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.