Konstruksyon ng Intramuros-Binondo Friendship Bridge sa Maynila, tuloy na sa DPWH
Itutuloy na ang konstruksyon ng Intramuros-Binondo Friendship Bridge na pinopondohan ng pamahalaan ng China.
Sa panayam kay DPWH Sec. Mark Villar sa ginawang pagbubukas ng Otis Bridge sa Maynila, sinabi nito na sa ngayon wala nang dahilan para maantala pa ang konstruksyon ng tulay.
Ilang sektor ang patuloy na kumukwestyon sa proyekto sa pangambang masagasaan nito ang ilang historical sites sa Maynila gaya ng San Agustin Church sa Intramuros.
Mismong ang National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang pumalag sa proyektong ito ng DPWH.
Paliwanag ni Villar, nakikipagdayalogo sila sa mga grupong tutol sa sa proyekto.
Tinutugunan anya nila ang hinaing ng mga ito, gayunman, tuloy pa rin ang proyekto sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte Administration.
Gagatusan ng China ang nasabing tulay ng P4.23 billion.
Layon ng tulay na mabawasan ang matinding traffic sa lungsod gaya sa Jones Bridge at Delpan Bridge sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.