Aktibidad ng CPP-NPA sa kanilang nalalapit na anibersaryo masusing binabantayan ng AFP
Nakamonitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga hakbang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa nalalapit na pagdiriwang nito ng kanilang ika-50 anibersaryo sa Dec. 26.
Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato patuloy ang gagawing pagmonitor ng kanilang hanay sa mga aktibidad ng rebeldeng grupo.
Sinabi ni Detoyato sa ngayon, nakapagpasuko na ang pamahalaan ng nasa 10,698 na mga miyembro ng NPA. Ito ay mula noong Enero 1 hanggang Nobyembre 28.
Sa nasabing bilang ng mga sumukong rebelde, 1,121 ay regular NPA members at 9,577 naman ang supporters o bahagi ng “Militia ng Bayan”.
Sa pagtaya naman ng AFP, mayroon pang nalalabing regular NPA members na nasa 3,000.
Nagpapatuloy din ayon kay Detoyato ang pagre-recruit ng NPA sa mga bagong miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.