Disiplina ng mga motorista, solusyon sa traffic sa lansangan ayon kay EDSA traffic manager Nebrija
Target ng bagong talaga na EDSA traffic manager ng MMDA na si Bong Nebrija na maibalik ang disiplina sa lansangan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Nebrija na hindi na mapapalapad pa ang EDSA, at lalong mas mahirap magbawas ng bilang ng mga sasakyan na dadaan sa naturang kalsada.
Tanging ang disiplina aniya ng mga motorista ang susi para kahit papaano ay umayos ang lagay ng traffic sa EDSA.
Itinuturing ni Nebrija na challenging na trabaho ang iniatang sa kaniya pero handa siyang harapin ito.
Sa datos ng MMDA, ngayong buwan ng Nobyembre, bumaba pa sa 16.14 kilometer per hour ang takbo ng mga sasakyan sa EDSA, mas mababa kumpara sa 19.37 kilometers per hour na unang naitala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.