Balangiga Bells sa Dec. 11 na darating sa bansa

AP File Photo

Sa December 11 darating sa bansa ang Balangiga Bells.

Inianunsyo ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa joint meeting ng Regional Peace and Order Council, Regional Development Council, at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Ormoc City.

Sinabi ni Secretary Lorenzana na isang simpleng seremonya ang isasagawa sa Villamor Airbase sa Pasay City oras na dumating ang makasaysayang kampana.

“Yung bells of Balangiga are coming back home on December 11 in the morning in a very simple ceremony in Villamor Air Base,” ani Lorenzana.

Magkakaroon ng handover ceremony sa pagitan ng Department of National Defense at ng US Department of Defense at US Pacific Command

Inaasahan naman itong dadalhin sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar sa December 15 kasabay ng pagsisimula ng unang araw ng Simbang Gabi.

Read more...