LOOK: Joey De Leon binisita ang magiging bagong tahanan ng Eat Bulaga

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2018 - 10:58 AM SHARE(S):
IG Photos

Apat na araw na lang lilipat na sa kanilang bagong studio ang longest running noontime show na Eat Bulaga.

Sa Sabado, Dec. 8 ay sa bagong APT Studios sa Marcos Highway Cainta Rizal na ang magiging bagong tahanan ng Dabarkads.

Matagal ding namalagi sa Broadway Centrum sa Quezon City ang Eat Bulaga kaya ngayon excited na ang lahat ng hosts para sa bago nilang studio.

Kaninang umaga, matapos magsimba, binisita ni Joey De Leon ang studio ng APT.

Ibinahagi pa ni Joey sa kaniyang Instagram account ang larawan ng bagong studio.

TAGS: APT Studios, eat bulaga, Radyo Inquirer, APT Studios, eat bulaga, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.