Ang pahayag ay ginawa ni DOJ Secretary Menardo Guevarra makaraang irekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang muling pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra walang papel ang DOJ sa nasabing rekomendasyon ng militar.
Ani Guevarra, kailangan ang pagpapalawig sa martial law dahil sa patuloy na pag-iral ng aktwal na rebelyon o pananakop sa rehiyon.
Ang martial law sa Mindanao ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 216 noong May 23, 2017 nang lusubin ng grupong Maute at iba pang kaanib na grupo ang Marawi City.
Dalawang beses na itong napalawig ng Kongreso, una ay para sa pag-iral nito hanggang December 31, 2017 at ikalawa ay ang hanggang December 31, 2018
Sa ngayon, nais ng AFP na mapalawig muli ang batas militar sa Mindanao ng isa pang taon dahil sa patuloy umanong banta ng terorismo.