UV, taxi at bus hindi sakop ng fare rollback – LTFRB

Hindi sakop ng ipatutupad na rollback sa pamasahe ng LTFRB ang mga bus, taxi at UV.

Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin ang rollback ay para lamang sa mga pampasaherong jeep kung saan mula sa P10 ay gagawing P9 na lang muli ang minimum na pamasahe.

Sakop ng fare adjustment sa jeep ang NCR, at Regions 3 at 4.

Dahil sa naturang panibagong kautusan, lifted na ang naunang ibinabang utos ng LTFRB na nagtataas sa P10 sa pamasahe sa jeep.

Sasaglit lamang naipatupad ang P10 fare hike at karamihan nga sa mga operator at driver ay hindi pa nakakakuha ng fare matrix para dito.

Read more...