Thunderstorm advisory inilabas ng PAGASA sa mga lalawigan kalapit ng Metro Manila

Ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila ang apektado ng thunderstorm advisory ng PAGASA.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:20 ng umaga, apektado ng malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang Bataan, Zambales, Laguna, Pampanga, Batangas, Cavite at Tarlac.

Nararanasan din ang parehong lagay ng panahon sa North Fairview sa Quezon City; Angat, Norzagaray, SJDM, San Miguel, San Idefonso, at Dona Remedios sa Bulacan; General Nakar sa Quezon at sa mga lalawigan ng Rizal at Nueva Ecija.

Ang mga residente sa mga nabanggit na lugar ay pinayuhan ng PAGASA na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...