Bukas na mula ngayong araw ang Siffu Bridge sa Roxas, Isabela matapos isara ng mahigit isang buwan nang ito ay mawasak dahil sa Typhoon Rosita.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 Regional Director Melanio C. Briosos natapos nang mas maaga kaysa sa itinakdang schedule ang pagkumpuni sa tulay.
Dapat sana ay December 29 pa ang pagtatapos ng proyekto na inumpisahan noong Nov. 8.
Oct. 30 nang mawasak ang lumang tulay na itinayo noon pang 1974, at sa kabuuan ng pagsaaayos nito ay naglagay ng temporary steel bridge structure para madaanan na ito ng mga motorista.
Sa ngayon, mga sasakyang may bigat na 10 Tons lamang ang papayagang dumaan sa tulay,
Nakatakdang magtayo ng bagong apat na linyang Siffu bridge na ang halaga ay P620 million at uumpisahan ito sa 2019.