COA sinisi ni Pang. Duterte sa mga hindi natuloy na investment sa bansa

By Chona Yu December 04, 2018 - 08:52 AM

Hindi na naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sama ng loob sa Commission on Audit.

Paliwanag ng pangulo, masyado kasing mahigpit at mabusisi ang COA kung kaya naantala ang mga ginagawang proyekto ng gobyerno.

Balak ng pangulo na magtungo o ipatawag ang COA sa Malakanyang para kausapin.

Marami na kasi aniyang investment ang hindi natutuloy dahil sa dami ng mga investment contract na hinihingi ng COA.

Dahil sa ginagawa aniya ng COA naantala ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

“Hindi naman ako ma — hindi ko naman pera ‘yan. If the government allows it, I have to talk to COA, I have to talk to him. Either I go to his office or he comes to me here. There are so many things that we cannot understand with each other. There seems to be a gridlock dito sa ating patakbo ng ating — and even investments. It has stopped. That’s my dream for everybody and that we can improve the economy. That’s why I said I have to talk to so many people. COA. One kasi nag — may ginawang gridlock eh. Meron na,” ayon kay Duterte.

Payo ng pangulo sa COA, sa halip na maghigpit sa mga proyekto, maghanap na lamang ng solusyon para mapadali ang mga investment sa bansa.

TAGS: COA, Investments, Radyo Inquirer, COA, Investments, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.