De La Salle Lipa nagluluksa sa pagpanaw ng dalawa nilang estudyante sa aksidente sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2018 - 06:34 AM

Kinumpirma ng pamunuan ng De La Salle Lipa na dalawang estudyante nila ang kabilang sa nasawi sa aksidenteng naganap kahapon ng umaga sa Star Tollway sa Batangas.

Ang mga nasawi ay unang kinilala ng PNP-Highway Patrol Group na sina Maxine Guinevere Vivas, 17 taong gulang; Ma. Kristina Paula Mercurio, 18; at ang driver ng van na si Danilo Manalo, 68.

Ayon sa pahayag ng De La Salle Lipa, sakay ng nasabing van ang 14 nilang estudyante, dalawang faculty members at isang magulang.

Ang dalawang nasawing estudyante ay kapwa Senior High School students ng paaralan.

Ang iba pang mag-aaral na nasugatan ay ginagamot sa ospital.

Sinabi ng paaralan na noong maganap ang aksidente ay agad silang nagpadala ng kanilang Emergency Medical Services Team para tumulong sa rescue operations.

Nakikipag-ugnayan din ang paaralan sa mga otoridad at sa pamunuan ng mga ospital.

Nagpadala din ng guidance counselors ang paaralan sa mga apektadong mag-aaral sakaling kailanganin nila ng counseling.

Ayon sa paaralan, labis na ikinalulungkot ng De La Salle Lipa Community ang nangyari at nakikiramay sila sa pamilya ng mga biktima.

TAGS: accident, De La Salle Lipa, Lipa, star tollway, accident, De La Salle Lipa, Lipa, star tollway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.