Anti-illegal drug ops ng PNP, AFP ipinapa-reassess ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 04, 2018 - 12:27 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na rebyuhin ang operasyon ng pamahalaan kontra sa iligal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa talumpati ng pangulo sa lighting ng Christmas tree sa Kalayaan grounds sa Malacañan, sinabi nito na marami kasing pulis ang sumasabit sa operasyon.

Kinukwestyun ng pangulo ang iligal na pamamaraan ng mga pulis sa pagpatay sa mga drug suspek.

Aminado ang pangulo na hindi na niya alam ang gagawin sa mga pulis na sangkot sa iligal na pagpatay.

Gayunman nilinaw ng pangulo na hindi magmemenor at tuloy pa rin ang kampanya kontra sa iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.