P50K bonus ibibigay ng pangulo sa OP

By Chona Yu December 04, 2018 - 01:12 AM

Magandang balita para sa mga empleyado ng Office of the President (OP).

Ito ay dahil sa bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-P50,000 Christmas bonus ang mga empleyado ng OP.

Ginawa ng pangulo ang anunsyo sa lighting ng Christmas tree sa Kalayaan grounds sa Malacañan.

Ayon sa pangulo, dapat ay P40,000 lamang ang bonus na kanyang ibibigay sa mga empleyado ng OP.

Pero dahil sa kantyaw ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, hindi aniya magpapalugi ang Malacañan at gagawin nang P50,000 ang bonus sa mga empleyado ng OP.

Sa pahayag kasi ni Mayor Sara, tig-P50,000 ang kanyang bonus sa mga taga-Davao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.