Imelda Marcos hindi kailangang personal na maglagak ng pyansa sa Sandiganbayan

By Erwin Aguilon December 04, 2018 - 01:10 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nilinaw ngayon ng Sandiganyan 5th Division na hindi na kailangang magtungo sa husgado si dating Unang Ginang at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos upang maglagak ng pyansa para sa kanyang post conviction remedies.

Ayon sa korte, maaaring kinatawan na lamang ni Marcos ang magtungo sa korte upang maglagak ng P300,000 pyansa.

Ang nasabing halaga ay upang pansamantalang makalaya ang dating unang ginang habang dinidinig ang apela nito.

Nagtungo na sa Sandiganbayan ang isa sa mga abogado ni Marcos upang alamin ang mga kailangang requirements upang ma-avail nito ang post-conviction remedies na inaprubahan ng korte noong nakalipas na linggo.

Magugunita na sa naging kautusan ng 5th Division ng anti-graft court, kinatigan nito ang Motion for Leave to Avail Post Conviction Remedies na inihain ng akusado gayundin ang pagpayag na makapag pyansa ito .

Samantala, ‘noted’ lamang naman ang naging tugon ng anti-graft court sa inihaing notice of appeal ni Marcos noong nakalipas na linggo dahil sa pagiging pre-mature.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.