Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang nakaranas ng pag-ulan
Maagang inulan ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa pinakahuling thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 4:40 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Nueva Acija.
Ganitong panahon din ang nararanasan sa General Nakar, Real at Lucban sa Quezon; Sta. Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Rizal, Nagcarlan, Calauan, Los Baños, Bay at Liliw sa Laguna; Tanay, Jala-Jala, Rodriguez, Baras at Antipolo sa Rizal, Talisay at Laurel sa Batangas.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng flash floods at landslides na maaring maidulot ng pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.