Hugpong ni Mayor Inday Sara at Puwersa ni Mayor Erap bumuo ng alyansa

Sa Puwersa ng Masang Pilipino ni Manila Mayor Joseph Estrada nakipag-alyansa ang Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Lubos ang pasasalamat ni Estrada kay Duterte.

Samantala, ayon kay Duterte nakikipagsanib-puwersa sila sa ibang mga partido para marinig ang boses nilang mga taga-Davao.

Inamin ni Duterte na sila ay umiikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ikinakampaniya ang sinusuportahan nilang mga senatoriables.

Kabilang sa ini-endorso ng Hugpong ng Pagbabago ay sina re-electionist Senador JV Ejercito at Sonny Angara, dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, gayundin sina dating Presidential Spokesperson Harry roque, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Maguindanao Representative Dong Mangudadatu, at dating Secretary Francis Tolentino.

Read more...