Barangay captain, Chinese, kabilang sa 30 arestado sa illegal quarrying sa Pampanga

By Ricky Brozas December 04, 2018 - 12:07 AM

Natimbog ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 30 indibidwal, kabilang na ang tatlong Chinese national at isang punong barangay, dahil sa illegal quarrying sa Porac, Pampanga.

Iniharap ng NBI sa media ang mga naarestong suspek na inaresto ng mga tauhan ng NBI- Environmental Crime Division, MGB, at Task Force Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng mga katutubong Aeta sa Region 3.

Sinasabing pinasok ng quarrying ang ancestral domain o lupain ng mga Indigeneous People o IPs sa Porac ng mga kumpanyang Clarete’s at TAG Mineral Resources Inc.

Ayon sa NBI, pumasok sa bansa ang tatlong Chinese bilang mga turista subalit nagtrabaho na sa quarry sit kalaunan nang walang kaukulang permit.

Narecover mula sa mga suspek ang ginagamit ng mga ito na heavy equipment at extracted minerals na nagkakahalaga ng halos P1 bilyon.

Isinalang na sa inquest proceedings ang mga inarestong suspek sa DOJ dahil sa paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995.

Ayon pa sa NBI, nilabag din ng mga ito ang RA 8371 o Indigeneous Peoples’ Rights Act of 1997.

Pinag-aaralan na rin ng NBI ang pagsasampa ng kaso laban sa mga Board of Directors ng nasabing mga kumpanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.