Paspasan na pagpasa ng 2019 budget hindi uubra ayon sa isang senador

By Jan Escosio December 04, 2018 - 01:02 AM

Nagbigay ng kanyang mabilis na manifestation si Senador Ping Lacson sa sesyon ng Senado kaugnay sa pagpasa ng 2019 national budget.

Pinansin ni Lacson na sa natanggap nilang tentative plenary schedule at aniya kailangan na matapos nila ang interpellations sa Biyernes.

Ipinunto nito na may 271 ahensiya at opisina sa budget na kailangang mabusisi.

Sa ibinigay na deadline, aniya, kailangan nila na tapusin ang pagbusisi ng halos apat na ahensiya sa loob ng isang oras kung 24 oras silang magta-trabaho.

Mangangahulugan ito na isang ahensiya sa kada 15 minuto, walang kainan, at walang bathroom break.

Kaya’t hinikayat niya ang pamunuan ng Senado na magpatawag ng caucus para pag-usapan ang magiging schedule nila sa pagtalakay ng P3.575 trillion 2019 national budget.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.