Banta ni Gatchalian na babrasuhin ang suspensyon sa oil excise tax binalewala ng Malacañan

By Chona Yu December 04, 2018 - 12:36 AM

Minaliit lamang ng Palasyo ng Malacan ang banta ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs and Energy na babrasuhin nila ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte para ituloy ang suspensyon ng ikalawang bugso ng excise tax sa oil products sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pananaw ni Gatchalian ay pananaw lamang ng isang senador at hindi ng 23 iba pa.

“You are only referring to one particular senator and there are 24 senators. His opinion or observation may not be shared by the 23 others,” paliwanag ng tagapagsalita ng pangulo.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na kumpiyansa ang Palasyo na maidedepensa ng economic managers ng pangulo ang rekomendasyon na bawiin na ang suspension ng excise tax sa oil products.

Ayon kay Panelo, malinaw na nakasaad sa train law na maaari lamang suspendihin ang excise tax sa oil products kapag pumalo na sa USD80 per barrel ang presyo ng oil product sa world market sa loob ng magkakasunod na tatlong buwan.

Dagdag ni Panelo patuloy na bumababa ang presyo ng oil product sa world market kung saan walong beses nang nag-rollback ng presyo sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.