Malaking bahagi ng bansa apektado pa rin ng easterlies

Apektado pa rin ng easterlies ang malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang easterlies ang nakaaapekto sa bansa ay epekto ng hanging dumaraan sa Pacific Ocean na naghahatid ng mainit at maalinsangang panahon.

Dahil sa easterlies, maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Isabela, Aurora, Quezon, Polilio Island, Bicol Region, Samar Provinces.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng magandang panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...