Presumption of innocence iginiit ni Speaker GMA para kina Representative Castro at Ocampo

Photos from Police Regional Office 11

Iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang karapatan nina ACT Teachers Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa gitna ng kasong kanilang kinasasangkutan.

Ayon kay Arroyo, bilang mga elected officials at kinatawan ng mamamayan ay nararapat na bigyan sila ng dignidad at pagrespeto.

Ipinaalala nito ang prinsipyo ng presumption of innocence sa kaso ng kinatawan ng ACT Teachers party-list na inaresto at sinampahan ng mga kasong kriminal.

Umapela rin si Arroyo ng mabilis na pagresolba sa mga kasong kinakaharap nina Castro.

Sina Castro, Ocampo, at iba pa ay kinasuhan ng human trafficking at kidnapping matapos maaresto sa Talaingod, Davao del Norte dahil sa pagtransport ng lumad students nang walang kaukulang dokumento o parents consent.

Read more...