Pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao kaagad maipapasa ng Kongreso kapag hiniling ng pangulo

By Erwin Aguilon December 04, 2018 - 01:03 AM

Hindi mahihirapan si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalawig pa ang umiiral sa batas militar sa Mindanao.

Ayon kay House Majority Leader Rolando, kung hihilingin ng pangulo ang martial law extension hindi malayong pagbigyan ito ng Kongreso.

Gayunman, sinabi ni Andaya na mas mapapabilis ang pagpayag nila sa martial law extension kung titiyakin ng militar at pulisya na igagalang ang constitutional rights ng mga indibidwal nasa ilalim ng batas militar.

Bibigyang halaga din aniya nila ang sentimyento ng mga taong direktang apektado ng martial law sa pamamagitan ng mga kongresista na mula sa Mindanao sa isasagawang deliberasyon.

Nauna rito, inirekomenda ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr. sa Malacañan ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang sa December 31, 2019.

Idineklara ang martial law sa Mindanao kasunod ng paglusob ng Maute-ISIS group sa Marawi City mahigit isang taon na ang nakararaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.