Good news sa mga commuters!
Inanunsyo na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibabalik na sa P9 ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Sa pamamagitan ng Board Resolution No. 091 series of 2018, mababawasan ng piso ang kasalukuyang pamasahe sa jeep sa unang apat na kilometro para sa buong Metro Manila, maging sa CALABARZON, at Central Luzon.
Ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade kaugnay na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa bunsod ng oversupply ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Sa huling datos, ang kasalukuyang halaga ng krudo sa world market ay nasa USD53.58 per barrel.
Ang provisionary rollback ay magiging epektibo sa katapusan ng buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.