Gilas Pilipinas tinalo ng Iran fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 12:28 AM

Bigo ang Gilas Pilipinas na magwagi kontra sa koponan ng Iran para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ito ay matapos matalo ng national team sa iskor na 70-78, pabor sa Iran.

Sa pag-uumpisa ng fourth quarter ay nanguna ang Gilas ngunit unti-unting nakabawi ng Iran, kahit na wala sa kanilang koponan ang dalawang magagaling na players na sina Nikkha Bahrami at Hamed Haddadi.

Ayon sa coach ng koponan na si Yeng Guiao, hindi kwestyon ang galing ng mga manlalaro ng Pilipinas. Ang naging problema lamang ay ang kawalan ng maturity sa team na nagresulta sa maling desisyon sa laro.

Dahil sa pagkatalo ng Gilas, nalaglag sila sa ikaapat na pwesto sa Group F at mayroong 0-2 win-loss record.

Bagaman natalo, umaasa pa rin si Guiao na mayroon pang tsansa ang Gilas na makapasok sa World Cup.

Si Jayson Castro ang nanguna sa koponan sa pamamagitan ng kanyang 19 na puntos at sinundan pa ng 17 mula naman kay Christian Standhardinger.

Para naman sa nagwaging Iran, ang dating import ng Meralco Bolts na si Mohammad Jamshidi ang nanguna matapos nitong makapagbigay ng 26 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.