Mag-anak arestado dahil sa iligal na droga sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 04:54 AM

Isang pamilya ang inaresto ng mga otoridad matapos magkasa ang mga ito ng drug buy bust operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Bukod sa primary target ng operasyon na si Manuel Gonzales, timbog din ang kinakasama ng suspek na si Angelique Montas at kanyang bayaw na si Samuel na kapwa sinasabing kasabwat sa pagtutulak nito ng iligal na droga.

Maging ang buntis na hipag ng suspek na si Mary Claire Malinao at kanyang ina na si Emilia ay inaresto, ngunit ito ay dahil sa kanilang pagtatangkang pigilan ang mga pulis na arestuhin si Gonzales.

Narekober mula sa mga suspek ang 76 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ngunit giit ng tatlong mga arestadong suspek, hindi sila nagtutulak ng droga, bagaman aminadong gumagamit nito.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang ang hipag at nanay naman ni Gonzales ay sasampahan ng kasong obstruction of justice.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.