Pangulong Duterte wala pang desisyon sa posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 02:07 AM

Hindi pa nakakapagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung muli bang palalawigin ang umiiral na batas militar sa Mindanao.

Sa panayam ng mga media sa pangulo kahapon, sinabi nito na wala pang mga dokumentong naibibigay sa kanya tungkol sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa martial law extension.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, tatalakayin niya sa Cabinet meeting ngayong araw ang kahihinatnan ng martial law sa Mindanao na nakatakdang matapos sa December 31.

Dagdag pa ng presidente, kakailanganin niya ng masinsinang detalye ukol sa mga nangyayari sa Mindanao bago siya makapagdesisyon kung palalawigin pa ba ang martial law doon.

Matatandaang una nang nagpahayag ang PNP at AFP ng kagustuhang palawigin ang batas militar sa rehiyong lubhang napinsala dahil sa pag-atake ng ISIS-inspired Maute terror group sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.