Publiko, hinikayat ng MMDA na maging Netizen Patrol, para sa mga illegal na pumaparada sa Mabuhay Lanes
Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang MMDA Mabuhay Lanes Netizen Patrol.
Layon nitong himukin ang netizens na ireport sa MMDA sa pamamagitan ng social media ang mga makikitang sasakyan na nakaparada sa mga kalsadang sakop ng Mabuhay Lanes.
Ayon sa MMDA, mas mabuti kung mayroong larawan na ipopost sa twitter ang mga Netizen Patrol.
Gamit ang hashtag na #netizenpatrol, ang larawan ay maaring ipost sa twitter, i-mention ang official twitter account ng MMDA na @MMDA, at ilagay sa tweet ang ilang impormasyon gaya ng lugar kung saan nakitang nakaparada ang sasakyan, petsa at oras nang ito ay makita.
Ayon sa MMDA, ang mga makukuhang report ay agad ifo-forward sa Task Force Mabuhay Lanes para sa agarang aksyon.
Tiniyak din ng MMDA na bibigyan ng feedback ang netizen patrol hinggil sa update ng kaniyang inireport na insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.