Senador Koko Pimentel dinepensahan ang biro ni Pangulong Duterte tungkol sa paggamit ng marijuana

Nilinaw ni Senador Koko Pimental na kailanman ay hindi gumamit ng marijuana si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng naging kontrobersyal na biro ng punong ehekutibo na gumagamit umano siya ng marijuana upang manatiling gising dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule noong 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Sa isang mensahe sa mga kawani ng media, sinabi ni Pimentel na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi sa kanya na hindi pa ito nakakahawak ng marijuana sa kanyang tanang buhay.

Ayon pa kay Pimentel, ang biro ng pangulo ay dahil lamang sa matinding araw-araw na schedule ng pangulo na nagsisimula ng alas-8:30 ng umaga at matatapos na ng hatinggabi.

Read more...