Pag-aresto kay Satur Ocampo suportado ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 03:05 AM

Nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pag-aresto ng mga pulis kay dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at 17 iba pa dahil sa kasong kidnapping at human trafficking.

Sa panayam ng mga media, sinabi ng punong ehekutibo na mali talaga ang ginawa ng mga akusado matapos nilang kuhanin ang mga mag-aaral ng Salugpungan Learning Center nang walang pahintulot ng kanilang mga magulang.

Dagdag pa ng presidente, front ng New People’s Army (NPA) ang Bayan Muna, maging ang Kilusang Mayo Uno, at Gabriela.

Ikinalungkot pa ni Pangulong Duterte na ginagamit ng mga makakaliwang grupo ang mga Lumad para sa pagpapataob sa pamahalaan.

Aniya pa, marami sa mga Lumad ang namamatay dahil sa paggamit sa kanila ng NPA.

Halos 75 aniya sa mga armado at nakikipaglaban na miyembro ng NPA ay pawang mga Lumad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.