NPA inako ang pagtatangka sa buhay ng dating alkalde sa Samar

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 01:05 AM

Inako ng New People’s Army (NPA) ang pagtatangka sa buhay ni dating Matuguinao Mayor Aran Boller noong November 18.

Sa isang pahayag, sinabi ng Arnulfo Ortiz Command ng NPA na nag-ooperate sa Samar na sinubukan nilang patayin si Boller dahil sa desisyon umano ng people’s court na hatulan ng kamatayan ang dating alkalde.

Ayon sa grupo, si Boller kasi ang responsable umano sa serye ng mga hindi malutas na pagpatay at iba pang ‘reactionary violence’ sa bayan.

Ngunit ayon kay Boller, hindi siya naniniwalang ang komunistang grupo ang nasa likod ng pananambang sa kanya.

Para sa kanya, mas makatotohanang paniwalaan na ang kanyang mga kalaban sa pulitika ang nagplano ng ambush.

Ito ay dahil na rin sa kanyang muling pagtakbo bilang alakde ng Matuguinao.

November 18 nang tambangan ang dating alkalde sa Catbalaogan City, Samar kung saan tama ng bala sa kamay lamang ang kanyang natamo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.