Mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos hindi bibigyan ng pardon

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 02:03 AM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng pardon ang tatlong mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos.

Sa panayam ng mga media sa Malacañan, nilinaw ng pangulo na ang kanyang poprotektahan na mga pulis at sundalo ay iyong mga gumagampan lamang sa kanilang mga tungkulin batay sa nakasaad sa batas.

Aniya, hindi kasali sa kanyang poprotektahan ang mga alagad ng batas na tahasang pumapatay ng mga walang sala.

Matatandaang hinatulang guilty ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, at PO1 Jerwin Cruz.

Makukulong ang tatlong mga pulisa sa loob ng 20 hanggang 40 taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.