15-anyos na binatilyo nalunod sa Davao del Sur

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 12:23 AM

Nasawi ang isang binatilyo matapos itong mahulog at malunod sa ilog ng Guihing sa Hagonoy, Davao del Sur.

Kinilala lamang ang namatay na Grade 9 student sa alyas na Dodong, 15 taong gulang.

Ayon kay Senior Superintendent Allan Manibog, hepe ng Davao del Sur Police, magkakasama sina Dodong at kanyang pinsan at mga kaibigan nang maganap ang insidente.

Habang tumatawid ang mag-pinsan sa ilog ay humingi sila ng tulong dahil sa paglakas ng agos.

Sinubukan silang sagipin ng kanilang mga kasama, ngunit tanging ang pinsan ng biktima na si Sam Capuyan ang na-rescue.

Agad na humingi ng saklolo ang mga kabataan kung saan rumespunde at nagsagawa ng search and rescue operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Bangkay na ng nakuha si Dodong.

Paalala ng mga otoridad, huwag magtangkang maligo pa sa Guihing River dahil marami na ang nalunod dito bunsod ng malakas na agos nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.