Opisyal ng BuCor patay sa pamamaril sa Muntinlupa

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 12:01 AM

Tinambangan ang isa na namang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Barangay Poblacion, Muntinlupa.

Kinilala ang nasawing biktima na si BuCor Chief Inspector Angelito Padilla.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, hindi nakilalang riding-in-tandem ang sumalubong sa minamanehong sasakyan ni Padilla at pinaulanan ito ng bala.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit dahil sa tama ng bala sa ulo ay agad itong nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Ito na ang ikalawang sunod na pananambang sa BuCor official sa Muntinlupa City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.