Dating US President George H.W. Bush dadalhin na sa Washington

AP

Lumipad na papuntang Washington ang mga labi ni dating United States President George H.W. Bush kung saan ito ililibing.

Bago isakay ng Air Force One nagkaroon muna ng 21 gun salute para sa dating pangulo.

Pagdating sa Washington, ilalagak sa US Capitol Rotunda ang mga labi ng ika-41 pangulo ng Estados Unidos para sa state funeral hanggang Miyerkules.

Ipinag-utos na ni US President Donald Trump ang pagsuspinde sa pasok sa gobyerno at pagsasara ng New York Stock Exchange at Nasdaq sa Miyerkules bilang obserbasyon sa huling araw ng state funeral.

Kasamang lumipad pa-Washington ang anak ni Bush na si dating US President George W. Bush maging ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Read more...