6 arestado sa buy bust sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 05:00 AM

Timbog ang apat na mga lalaki at dalawang babae matapos magsagawa ng drug buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Nakilala ang mga pangunahing suspek na mag-asawang sina Alex at Mariane Sapocado.

Maging ang kanilang mga parokyano na sina Maria Fe Ogo, Reynaldo Alba, Elmer Tio, at John Miller Cruz ay naaresto rin.

Sinubukan pang tumakas ng mga suspek ngunit nahabol sila ng mga otoridad.

Nasamsam mula sa mga suspek ang pitong pakete ng shabu at buy bust money.

Iginiit ng mag-asawang Sapocado na hindi sila tulak ng droga at hinamon pa ang mga pulis na ipakita sa kanila ang nagturo sa kanila bilang mga drug pusher.

Ang anim ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Danerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.