Zsa Zsa Padilla sinisimulan na ang farming business

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Mula sa pagiging prominenteng showbiz personality ay business naman ang susunod na venture ni Zsa Zsa Padilla.

Bilang paghahanda sa kanyang farming business ay dumalo ang Divine Diva sa isang instroductory lecture tungkol sa agriculture.

Sa kanyang Instagram post ay ipinagmalaki ng singer ang kanyang certificate of appreciation na nakuha matapos dumalo sa lecture na ginanap sa Department of Agriculture, Cebu.

Aniya, ito ay paghahanda niya sa pagbubukas ng Casa Esperanza na kanyang binubuo kasama ang fiance na si Conrad Onglao.

Paliwanag pa ni Zsa Zsa, magsisilbing resthouse ang Casa Esperanza na bubuksan niya sa publiko sa 2020.

Ayon pa kay Zsa Zsa, pangarap niya ang maging isang farmer at masaya siya sa nagbukas na oportunidad para gawin niya ang kanyang matagal nang pangarap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.