Iba pang kumpanya ng langis magpapatupad ng oil price rollback ngayong araw

By Justinne Punsalang December 04, 2018 - 01:07 AM

Muli na namang nagpatupad ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ito na ang ikawalong sunod na big-time oil price rollback at epektibo mamayang alas-6 ng umaga ay magkakaroon ng P2 bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene ang kumpanyang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petron, Pilipinas Shell, PTT, at Total.

P2.10 naman ang ibabawas ng mga nabanggit na kumpanya para sa kanilang diesel.

Nauna nang nagpatupad ng rollback ang kumpanyang Phoenix Petroleum na naging epektibo noong Sabado.

Kahapon naman, araw ng Lunes nang magkaroon ng kaltas sa halaga ng mga produktong petrolyo ang SeaOil.

Ang panibagong adjustment sa oil products ay dulot ng oversupply ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sa kabuuan, umabot na sa P10 ang nabawas sa halaga ng diesel at P12 para sa gasolina.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.