Hindi nakasipot si Senador Ferdinand ‘Bongbong Marcos Jr. sa nakatakdang konsultasyon sa Bangsamoro Basic Law sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa Manila dahil sa food poisoning.
Sa halip, ang anak ng senador na si Ferdinand Alexander Marcos na lamang ang humarap sa mga estudyante kanina.
Paliwanag ng nakababatang Marcos, na food poison ang senador matapos mag-celebrate kahapon ng Father’s Day.
Dahil dito, binasa na lamang ni Ferdinand Alexander ang nakahandang speech ng kanyang ama.
Hindi naman naiwasan ng mga estudyante na matawa habang binabasa ni Ferdinand Alexander ang tagalog na speech ng kanyang ama dahil sa pagiging ‘slang’ nito.
Humingi na lamang ng pasensya si Ferdinand alexander sa mga estudyante dahil sa hindi siya magaling mag-tagalog bukod pa sa nininerbyos ito.
Si Ferdinand Alexander ang panganay na anak ni Senador Bongbong at nag-aaral sa Great Britain./ Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.