Sotto: Re-enacted budget tiyak na sa unang bahagi ng 2019
Maging si Senate President Tito Sotto III ay nagsabing imposible na ring maipasa nila ang P3.757 Trillion 2019 national budget.
Kasabay nito, sinisi ni Sotto ang Kamara dahil sa mabagal o matagal na pagpapadala sa kanila ng proposed national budget para sa susunod na taon.
Aniya may logistical issues din dahil ang pag-print ng mga kinakailangang dokumento ay inaabot pa ng ilang araw.
Bukod pa dito aniya ang pagsasagawa ng bicameral meetings para mapag usapan ang pambansang budget sa susunod na taon.
Maging si Sen.Cynthia Villar ay nagsabi na imposibleng mangyari ang gusto ng Malacañang na mapirmahan ni Pangulong Duterte ang 2019 national budget sa darating na December 15 bago ang Christmas break ng kongreso.
Tulad ni Sotto sinisi ni Villar ang Kamara dahil sa mabagal na pag-aksyon.
Aniya reenacted budget ang pagaganahin sa unang buwan ng bagong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.