Pagpapatino ng trapiko sa Edsa unang trabaho ng bagong traffic czar

By Den Macaranas December 03, 2018 - 07:58 PM

FB photo

Itinalaga bilang bagong pinuno ng Edsa Traffic Management Unit ng Metro Manila Development Authority (MMDA) si Edison “Bong” Nebrija.

Si Nebrija ang kasalukuyang pinuno ng Special Operations Unit ng MMDA na nakatutok sa pag-aalis ng mga road obstruction partikular na sa mga bangketa ng Metro Manila.

Pansamantalang papalitan si Nebrija nina Memel Roxas at Jun Vialu.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na partikular na tututukan ni Nebrija ang pagsasa-ayos ng trapiko sa kahabaan ng Edsa lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Una sa mga aayusin ni Nebrija ay ang tamang pagpapatupad ng mga loading at unloading zones para sa mga bus.

Paliwanag pa ni Nebrija, “We will make sure that we will be implementing a serious enforcement on closed door policy, no loading and unloading zone. Iyong bus segregation system natin – ‘yung Alpha, Bravo, and Charlie, and ‘yung yellow lane.”

Kasama rin sa kanyang mga unang plano ang pag-aalis ng mga vendors sa mga footbridges na matagal nang inirereklamo ng ilang mga pedestrian.

Samantala, sinabi naman ni Garcia na malaki ang kanilang tiwala kay Nebrija na mapapatino niya ang daloy ng trapiko sa Edsa.

“I am giving him full authority kung anong tingin niyang engineering problem diyan – U-turn, orange barrier, unloading and loading zone – it’s up to him,” dagdag pa ni Garcia.

TAGS: BONG NEBRIJA, Jojo Garcia, mmda, traffic czar, BONG NEBRIJA, Jojo Garcia, mmda, traffic czar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.