Duterte sa paggamit niya ng marijuana: It was a joke

By Chona Yu December 03, 2018 - 06:38 PM

Inquirer file photo

Nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag niyo na gunagamit siya ng marijuana para manatiling gising dahil sa hectic na schedule.

Ayon sa pangulo, plastic na marijuana ang kanyang ginamit kasabay ng pag-amin na boring kasi kapag hindi siya nagbiro.

“It was a joke, of course it was a joke pero nobody can stop me from just doing my style. That’s my style, it’s too late to change. If I want to joke, I will joke”, paliwanag ni Duterte.

Samantala, sinabi ng pangulo na tama lamang ang ginawang pag-aresto ng militar at mga pulis sa grupo ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa Davao Del Norte.

Ayon sa pangulo tutulungan niya ang mga pulis para maidepensa ang kanilang sarili sakaling maghain na ng asunto ang grupo nila Ocampo.

Nauna dito ay inamin ng ilang Lumad leaders sa lugar na tinuturuan sila ng ilang maka-kaliwang grupo para maghimagsik laban sa gobyerno.

Kumalat rin sa social media ang larawan ng ilang mga kabataang Lumad na tinuturuan umanong humawak ng baril ng mga miyembro ng New People’s Army na iniuugnay sa grupo ni Ocampo.

TAGS: duterte, joke, Marijuana, panelo, duterte, joke, Marijuana, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.