Duterte umaming gumagamit ng marijuana

By Chona Yu, Den Macaranas December 03, 2018 - 06:03 PM

Isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sikreto kung paano niya kinakaya ang kanyang hectic schedule at pressure sa araw-araw na gawain sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa awarding ceremony para sa mga naglingkongd sa ASEAN National Organizing Council sa Malacañang ay sinabi ng pangulo na gumagamit siya ng marijuana.

Ayon kay Duterte, “”It’s a killing activity, and I think my age… Ako hindi masyado, kasi nagma-marijuana ako eh, para para magising. Sa iba hindi na kaya”.

Hindi naman niya nilinaw kung seryoso o tulad ng dati ay nagbibiro lamang siya sa kanyang naging pahayag.

Inamin rin ng pangulo na mahirap maghabol sa mga gawain sa mga international event na kanyang pinupuntahan kaya kailangan niyang magbasa para hindi maiwan sa mga isyung pinag-uusapan.

Noong nakalipas na buwan ay hindi nakasama ang pangulo sa isang pulong kaugnay sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore, kabilang dito ang breakfast meeting kasama ang pinuno ng nasabing bansa at Australia.

Magugunitang noon pa man ay inamin na rin ng pangulo ang paggamit niya ng Fenthanyl na isang uri ng pain reliever dahil sa kanyang Burger’s disease.

TAGS: Asean, conference, duterte, Marijuana, Asean, conference, duterte, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.