Utang Pilipinas umabot na sa P7.167 Trillion

By Den Macaranas December 03, 2018 - 03:31 PM

Sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre ay umakyat na sa record-high na P7.167 Trillion ang kasalukuyang utang ng pamahalaan.

Sa loob ng nakalipas na buwan ay malaki ang itinaas ng local at foreign borrowings ayon sa ulat na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr).

Sa kanilang tala ay umakyat sa 10.24 percent ang itinaas nito mula sa dating P6.5 Trillion sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon.

Ang total obligations ayon sa BTr ay umakyat sa 0.10 percent at pumalo ito sa P7.160 Trillion sa pagtatapos ng September 2018.

Sa ulat ng BTr ay naitala sa P4.6 Trillion ang domestic debt na tumaas ng 9.59 percent kumpara sa P4.216 Trillion noong nakalipas na taon.

Ang utang panlabas o foreign debt ay naitala ng BTr sa P2.546 Trillion o may pagtaas na 11.45 percent mula sa dating P2.285 Trillion noong 2017.

Sa month-to-month data, ang local borrowings ay tumaas ng ).71 percent samantalang ang foreign debt naman ay bumaba ng 0.98 percent ayon pa sa BTr.

Ang pagtaas sa local o domestic debt at dulot ng malaking bilang ng pag-iisyu ng pamahalaan ng government securities na ymaabit sa P32.74 Billion.

Ipinaliwanag rin ng BTr na bahagyang nabawasan ang utang panloob ng bansa dahil sa patuloy na pagsigla ng Piso sa kalakalan.

Iniulat naman ng Department of Budget na ang external debt ratio ng bansa ay naitala sa 20.4 percent mula pa noong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Higit na mas mababa ito sa 74 percent ng Malaysia, Vietnam na mayroong 44.8 percent,  37.5 percent ng Indonesia at 31.7 percent ng Thailand.

TAGS: Bureau of Treasury, BUsiness, department of budget, foreign debt, local borrowings, Bureau of Treasury, BUsiness, department of budget, foreign debt, local borrowings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.