Logo at mascot para sa 2019 SEA Games hindi na babaguhin
Nanindigan ang 2019 Southeast Asian (SEA) Games organizing committee na mananatili at hindi nila papalitan ang logo para sa nasabing sporting event na nakatakdang ganapin sa bansa.
Ipinaliwanag ni 2019 SEA Games executive director Ramon Suzara na ang mga bilog na may iba’t ibang mga kulay sa nasabing logo ay kumakatawan sa mapa ng bansa na nagkaisa para sa pagsusulong ng sports
Sinabi rin ng opisyal na bukas sila sa pagtanggap ng mga puna pati sa inilunsad na mascot ng 2019 SEA Games na tinawag na “Pami”.
Si Pami ayon kay Suzara ay kumakatawan naman sa pamilyang Pinoy na bawat atleta at indibiduwal na mayroong pangarap na abutin ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng sports.
Nauna nang sinabi ng mga netizen na tila ay hindi pinag-isapin ang logo at pati na ang disenyo ng mascot para sa 2019 SEA Games.
Binigyang-diin naman ni Suzara na mas mahalaga na ibigay ng sambayanan ang kanilang suporta sa mga Pinoy na magiging bahagi ng nasabing sporting event.
Sa kasalukuyan ay on-going ang pagtatayo ng mga world-class sports facilities sa Clark, Pampanga na siyang magiging sentro ng nasabing sporting events sa 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.